Muling hinikayat ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ang mga deboto na huwag nang magdala ng replicas ng Black Nazarene lalo na ang mga may karwahe o kaya nasa ibabaw ng kani-kanilang mga sasakyan.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quaipo Church, masasayang kasi ang inilaan na espasyo sa Enero 9 o ang mismong araw ng kapistahan ng Poong Itim na Nazareno kung may malalaking mga replicas na nakalaan na para sa mga deboto.
Sinani pa ni Fr. Badong, ipagbabawal ang pagpasok sa area ng Quiapo ang malalaking replica kaya’t huwag na nila itong ipilit pa.
Aniya, maaari naman dalhin ang malalaking replica sa ibang araw para sa pagbabasbas at huwag sa mismong araw ng kapistahan lalo na’t inaasahan na dadagsa ang mga deboto.
Pero paliwanag pa ni Fr. Badong na papayagan nilang makapasok ang malilit na replica o ang mga bitbit lang ng deboto.
Nanawagan din siya sa mga deboto na obserbahan ang disiplina kung saan huwag pairalin ang katigasan ng ulo lalo na’t kinakailangan pa rin mag-ingat dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.