Pamunuan ng Quiapo Church, maglalabas ng update kada 2 oras

Magbibigay ng update ang pamunuan ng Quiapo Church kada 2 oras.

Ayon kay Silgen Frias Cabrito Quiapo Church Communications Coordinator sa update na kanilang ilalabas malalaman ang crowd estimate sa Quiapo Church maging sa Quirino Grandstand.

Malalaman din ang lokasyon ng andas sa oras na magsimula na ang prusisyon at iba pang impormasyon patungkol sa Traslacion.


Samantala, ayon naman kay Philippine National Police Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo ang Multi-Agency Coordinating Center na matatagpuan sa St. Benedict na katabi lamang ng Quiapo Church ay doon matatagpuan ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya na involved sa Traslacion.

Doon aniya makikita ang mga communication equipment para sa monitoring ng prusisyon tulad ng radyo, TV monitors, telepono at computers.

Ito aniya ang magsisilbing command center para sa Traslacion 2024.

Samantala, magdaraos naman kada oras ng misa sa Quiapo Church simula kaninang alas-12:00 ng madaling araw hanggang maibalik ang Poong itim na Nazareno sa Quiapo Church mamayang gabi.

Facebook Comments