
Nagsagawa ng walkthrough ang pamunuan ng Minor Basilica & National Shrine of Jesus Nazareno bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan nito sa Enero 9, 2026.
Ayon kay Mr. Alex Irasga, Technical Adviser ng Quiapo Church, ang isinagawang walkthrough ay upang masiguro na magiging maayos at ligtas ang daraanan ng Traslacion kung saan paraan na din ito para malaman nila ang posibleng problema.
Partikular ang mga sira o lubak na kalsada, mga sangay ng puno, mga nakalaylay na kable, mga yero o tolda na nakalabas na kalsada at ang mga sagabal sa daraanan ng undas.
Aniya, matapos ang aktibidad ay ipapasa nila ang report o assesment sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ng Maynila upang sila na manguna na gumawa ng hakbang tulad ng pagkakasa ng clearing operation.
Bukod dito, sinabi ni Irasga na inaasahan na mas darami ang daragsa o nasa milyon-milyon indibidwal ang makikiisa sa kapistahan ng Poong Itim na Jesus Nazareno kung kaya’y todo ang kanilang paghahanda kasabay na rin ng panawagan.
Umaasa naman ang pamunuan ng Quiapo Church na makikiisa ang lahat sa mga ilalatag nilang patakaran para sa kapakanan ng ng lahat ng deboto.









