Muling nakiusap ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo sa mga deboto ng itim na Nazareno na huwag nang sumampa sa andas ng poon.
Layunin nitong matiyak na rin ang kaligtasan ng lahat para sa gaganaping Traslacion sa Huwebes Jan. 9.
Nanawagan din si Fr. Douglas Badong, Assistant Parish Priest ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na makiisa sa pinaikling ruta ng Traslacion.
Sinabi naman ni Fr. Danichi Voltaire Hui, magiging bago rin ang isusuot na damit ng Nazareno, kung saan simple lamang ang disenyo.
Kasabay nito, binasbasan na rin ang nasa 500 standarte na gagamitin para sa Traslacion
Gagamit din ng megaphone at loud speaker para sa mga anunsyo.
Facebook Comments