MANILA – Maging ang pamunuan ng Social Security System o SSS ay nagpahayag ng suporta sa ginagawang pagbalangkas sa halos 13 panukalang batas na magdadagdag sa pensyon ng mga miyembro nito.Ayon sa bagong talagang chairman ng Social Security Commission na si Amado Valdez, naiintindihan naman nila ang pangangailangan sa pagtataas ng pension.Pero ang pagsasabatas aniya ng tinatawag na across-the-board pension ay posibleng hindi maging sapat kung walang maibibigay na malinaw na sistema para sa pangmatagalang pondong susuporta rito.Sabi pa ni Valdez, kapag ipinatupad ang P2,000 dagdag pensyon ay mangangailangan ng karagdagang P56 bilyong piso sa unang taon pa lamang para mapondohan ang 12 buwang pensyon at maging sa ika-13 buwang pensyon para sa mahigit 2 milyong pensyonado ng SSS.Kaya naman, nagpakita ang SSS ng mga pag-aaral na nagpapatunay na kailangan nang itaas ang kontribusyon ng mga members nito at paglalaan ng gobyerno ng kaukulang subsidiya para dito.
Pamunuan Ng Sss, Suportado Din Ang 2 Libo Dagdag Pensyon
Facebook Comments