Tuesday, January 20, 2026

Pamunuan ng Sto. Niño de Pandacan Parish, nadismaya sa naging pahayag ng bise alkalde sa nagdaang kapistahan

Ikinadismaya ng pamunuan ng Sto. Niño de Pandacan Parish ang naging pahayag ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza sa katatapos lamang na Kapistahan ng Sto. Niño.

Ito’y matapos na dumalo ang bise alkalde sa Buling-buling Festival Liwasang Balagtas, Pandacan kung saan hindi nito maayos na mabigyan pagkilala ang mga namumuno sa nasabing simbahan.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Sto. Niño de Pandacan Parish, nararapat lamang sanang bigyan ng tamang pagkilala ang mga pari bilang pagrespeto sa simbahang katolika.

Tila nalimutan rin daw ng vice mayor na ang mga pari ng Sto. Niño de Pandacan Parish ang siyang namuno at namahala sa mga aktibidad ng kapistahan.

Sa inilabas na press release naman sa FB page ni Vice Mayor Chi ay nakasaad at tama ang mga nakalagay na pangalan ng mga pari pero hindi naman ito ang sinabi sa pagpunta sa selebrasyon ng Buling-buling.

Bagama’t naipakilala bilang isang dating journalist at television host, alam daw dapat ng bise alkalde ang mga protocol sa journalism.

Wala pa naman inilalabas na opisyal na pahayag ang tanggapan ni Vice Mayor Chi hinggil sa naturang isyu.

Facebook Comments