Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera, ang pagkasawi sa hazing ng isang estudyante ng Philippine College of Criminology na si Ahldryn Bravante.
Bunsod nito, ay iginiit ni Herrera sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na tiyaking mapapanagot ang pamunuan ng national at local chapter ng Tau Gamma Phi fraternity.
Tahasan ding sinabi ni Herrera, na tila may systemic evil o kasamaan na lumulukob sa buong Tau Gamma Phi fraternity dahil hindi umano ito ang unang pagkakasangkot ng organisasyon sa hazing.
Diin ni Herrera, ang naturang demonyo ay dapat ma-exorcised.
Facebook Comments