Pamunuan ng University of the East, nilinaw na walang kaso ng 2019 nCoV

Inihayag ng pamunuan ng University of East na fake news at walang kaso ng 2019 Novel Coronavirus-Acute Respiratory Disease sa kanilang Unibersidad.

Ito ay kasunod ng ulat sa Social Media na may isang estudyante ng UE na Person Under Investigation o PUI sa naturang Unibersidad, dahil sa nCoV.

Kinumpirma ng UE Management na nag-anunsyo sila ng Class Suspension para sa mga estudyante ng Basic Education o K-12 para ngayong araw ng Biyernes.


Nagpapatuloy sa ngayon ang pag-disinfect at General Cleaning sa Basic Education building habang itong weekend naman, ay ididisinfect ang mga gusali sa Kolehiyo.

Paliwanag ng UE Management, ang mga nabanggit ay bahagi ng Precautionary Measure ng Unibersidad, sa gitna ng usapin ng nCoV.

Giit ng UE Management na walang dapat ikabahala ang mga estudyante at mga Faculty Members nila kasabay ng pakiusap sa lahat na miyembro ng kanilang Komunidad, na unawiin ang mga ipinatutupad na pag-iingat sa Unibersidad laban sa nakamamatay na sakit.

Facebook Comments