
Kinumpirma ng University of the Philippines (UP) na binawian na ng buhay ang isang miyembro ng fraternity dahil sa hazing.
Umapela si UP-Diliman chancellor Michael Tan sa lahat ng estudyante, faculty, staff at iba pang concerned parties sa labas ng unibersidad na itigil ang pagpo-post online tungkol sa kamatayan ng isang Sigma Rho fraternity member.
Gawin aniya sana nila ito bilang pagbibigay respeto sa privacy ng nagluluksang pamilya.
Nagsasagawa na sila ng administrative action matapos kumalat ang balita online upang mabigyang hustisya ang mga biktima ng hazing.
Nabatid na kumalat sa twitter ang hazing incident sa UP Diliman na kinasasangkutan ng Sigma Rho fraternity.
Facebook Comments









