Kinalampag ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang pamunuan ng Vivamax dahil sa patuloy na pagpapalabas ng mga malalastwang panoorin sa streaming nito sa internet.
Tinukoy ng senador ang panganib na maaaring idulot nito lalo sa mga kabataan na madaling maka-access sa internet at hindi malabong makapanood ng mga palabas na hindi akma para sa kanilang edad.
Ipinunto ni Estrada na hindi tumupad ang Vivamax sa kasunduan sa pagitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na sila ay magse-self regulate sa mga pinalalabas dahil sa napapanood ito ng mga kabataan.
Ipinunto rin ni Senador Estrada ang Article 201 ng Revised Penal Code na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga malalaswa at mahahalay na materials na maaring makasira sa moralidad ng publiko.
Ipinunto pa ng senador na kapalit ng paglaladlad ng katawan ng artista ay babayaran sila ng P15,000 kada araw o P30,000 sa dalawang araw na magagawa ang full length movie.
Maituturing aniya itong isang uri ng pananamantala sa mga kawawang artista.