Ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamunuan ng walong ospital kaugnay sa sinasabing overpricing ng gamot na Remdesivir.
Ayon sa NBI, paiimbestigahan ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang 8 ospital dahil lumalabas na nasa ₱30,000 ang halaga ng ibinebenta nilang Remdesivir kada vial.
Paliwanag ng DOH, marami ang nagrereklamo sa kanila at sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil nasa ₱3,000 lamang dapat ang halaga ng nasabing gamot.
Matatandaang ang Remdesivir ay isa sa pinag-aaralan bilang potensyal na gamot kontra COVID-19.
Facebook Comments