Baguio, Philippines – Nagpaalala si Police Regional Office Cordillera director Police Brigadier General Rolando Nana sa publiko na maging mapagmatyag sa kanilang mga kapaligiran at agad ireport ang mga kahinahinalang mga aktibidad na kanilang makikita ngayong Panagbenga Festival.
Ito ay para sa Baguio Flower Festival street dancing at float parade kung saan ay maraming mga residente at turista ang lalahok at manunuod.
Ayon kay PRO-Cor Director Rolando Nana ay handa ang BCPO sa pagresponde sa mga bomb explosions at bomb threats.
Sa Kaugnay na balita, taliwas sa nauna nang resolusyon na ipinasa ng konseho ay inanunsyo ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na walang politiko ang sasama sa float at street dancing parade.
Dagdag ni Mayor Domogan ay ito ang pinakamainam na paraan upang hindi mapulitika ang Panagbenga. Ayon pa sakanya ay mahirap i-kontrol ang mga kandidato kung papayagan silang sumama sa mga parada.