Panagbenga 2019: Trade Fair sa Skating Rink, Hinarang ng Konseho!

Baguio, Philippines – Matapos itong pagbotohan ng konseho, ay sinabi ni Councilor Faustino Olowan kahit tapos na ang bidding ay kailangan parin daw humingi ang mga organizer ng permiso sa legislative body ng Baguio City para sa pag gamit sa mapunong bahagi ng skating rink. 

Dagdag naman ni Vice Mayor Edison Bilog ay maaring masira ang mga puno na kung ito ay magagamit para sa trade fair na pawang labag sa environment code at trade fair ordinance ng Baguio City.

Aniya pa, nasa kamay na ni Mayor Mauricio Domogan kung matutuloy pa ba ang trade fair kahit kumontra na ang konseho. Nakahinga naman ng maluwag ang mga nagnenegosyo sa ibang pamilihan sapagkat hindi na mahahati ang mga parokyano, parehas lang naman diumano ang mga itinitinda.


Palagay mo iDOL, matutuloy ba ang Trade Fair sa Skating Rink sa Burnham Park?

Facebook Comments