Manila, Philippines – Palapit-nang-palapit ang bagyong Urduja sa Eastern Samar.
Huling namataan sa 175 kilometro ng Guiuan, Eastern Samar.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 65 kph.
Bumilis ng bahagya ang bagyo sa walong kilometro kada oras at tinatahak ang direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang *storm signal number 1**:*
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Asahan ang kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Visayas at sa mga rehiyon ng Bicol, CARAGA at Northern Mindanao.
Delikado pa ring maglayag sa baybayin ng Northern Luzon; silangang baybayin ng Eastern at Central Luzon maging sa Eastern Visayas.
Facebook Comments