Naniniwala si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na nawala sa pokus ang mga nasa lokal na pamahalaan sa nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na ito ay dahil na rin sa panahon ng halalan kung saan abala ang mga Local Government Unit (LGU) sa kampanya.
Ito aniya ang isa sa mga rason kung bakit bumagal ang bakunahan sa bansa.
Ani Concepcion, pagkatapos ng eleksyon sa Mayo ay maibabablik na ng LGUs ang kanilang sigasig sa pagbabakuna upang mapataas pa ang ating vaccination coverage.
Lalo na’t nasa 27 million doses ng mga bakuna ang nakatakdang mapaso sa Hunyo hanggang Hulyo.
Facebook Comments