Panahon ng tag-init, opisyal nang idineklara ng PAGASA!

Opisyal nang idineklara ng pagasa ang pagsisimula ng dry season o panahon ng tag-init.

Ayon sa PAGASA, tapos na ang panahon ng amihan o northeast monsoon kaya asahan na ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.

Habang ang mga pag-ulan sa bansa ay maiimpluwensyahan na ng easterlies o hanging nagmumula sa karagatang pasipiko at asahan na rin ang mga localized thurstorm.


Payo ng PAGASA sa publiko, mag-ingat laban sa heat stress.

Bagama’t mainit, mainam din na magtipid sa pagkonsumo ng tubig sa harap na rin ng nagbabadyang pagbaba ng tubig sa angat dam ngayong summer.

Facebook Comments