Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan matapos ang naranasang kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa nakalipas na limang araw.
Sa Pangasinan, patuloy na nararanasan ang mga pag-uulan at pagkulog-pagkidlat sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan sa mga nakalipas na araw.
Abiso ng awtoridad na posible ang pagbaha, o pagguho ng lupa sa ganitong mga pagkakataon.
Pinapayuhan din ang mga Pangasinense na ugaliin ang pagdala ng payong o anumang panangga sa ulan.
Patuloy na i-momonitor ng weather bureau ang lagay ng panahon sa mga susunod pang araw, habang pinaalalahanan din ang publiko na maging alerto sa posibleng maging epekto ng mararanasang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments