PANAKOT | Poster ng babaeng porn star, ginagamit na scarecrow ng magsasaka sa India

India – Poster ng babaeng porn star, ginagamit na scarecrow ng isang magsasaka sa kanyang taniman sa India.

Sa halip na mga scarecrow, larawan ng isang porn star ang ginagamit na panakot ng isang magsasaka sa kanyang farmland sa Andhra Pradesh, India!

Ayon kay Chenchy Reddy, simula nang maglagay siya ng mga poster ng erotic actress na si Sunny Leone ay gumanda na ang ani niya sa mga tanim niyang Cauliflower at Cabbage Crop.


Madalas daw kasing mapag-diskitahan ng mga villagers at passers by ang kanyang tanim kaya siya nalulugi.

Pero ngayon, tila wala na raw silang pakialam sa kanyang mga tanim dahil mas naka-focus na ang atensyon nila sa mga poster!

Pero bukod sa poster ng mga seksing babae, gumagamit rin daw siya ng mga pangit na manika at larawan ng mga demonyo bilang panakot sa mga mapagsamantala sa kanyang pananim.

Facebook Comments