PANAKOT? | Supreme Court on leave CJ Sereno, naniniwalang banta sa demokrasya ang quo warranto petition

Manila, Philippines – Naniniwala si Supreme Court Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na banta sa demokrasya ng bansa ang quo warranto petition laban sa kaniya.

Ayon kay Sereno, pwede kasi itong gamiting panakot sa hudikatura o sinumang public official na kontra sa Administrasyong Duterte.

Aniya, binaliwala rin ng petisyong ito ang konstitusyon na nagsasabing sa impeachment trial lang pwedeng patalsikin ang isang impeachable official tulad niya.


Sa Mayo ay inaasahang ibababa na ng SC en banc kung papanigan ng mga mahistrado ang quo warranto at tuluyang patalsikin sa pwesto si Sereno.

Facebook Comments