PANALO ITO | Champion sa 53rd QubicaAMF Bowling World Cup Championship 2017, isang Pangasinense pala?

Tinapos ng isang babaeng pangasinense ang 14-year drought ng Pilipinas sa medalya pagdating sa sports na bowling. Si Krizziah Lyn B. Tabora na 26-year-old at tubong Alcala, Pangasinan ang ika-limang pinoy na nanalo sa presteryosong 53rd QubicaAMF Bowling World Cup Championship na ginanap sa bansang Mexico. Sinundan ni Tabora ang mga pride ng Pilipinas pagdating sa larong bowling sina Christian Suarez, Lita dela Rosa, Olivia “Bong Coo” Garcia, at Philippine Legend Paeng Nepomuceno.

Ang QubicaAMF Bowling World Cup na kilala noon bilang International Masters and AMF Bowling World Cup ay taunang kompetisyon ng Ten-pin bowling na pinapangasiwaan ng QubicaAMF Worldwide na pinakamalaking kompetisyon ng bowling sa buong mundo.

Kayo ganoon na lamang ka-proud ang Lalawigan ng Pangasinan. Bilang pagkilala kay Tabora ipinasa ang isang Provincial Resolution No. 1218-2018 entitled “Congratulating Krizziah Lyn B. Tabora for Winning the 53rd QubicaAMF Bowling World Cup Championship 2017 held in Hermosillo, Mexico last November 11, 2017,” states that “the award-winning performance of Tabora deserves felicitations of the Pangasinan community in the limelight of sports arena specially the youth, her kabaleyans and fellow bowlers.”


Ayon sa mga opisyales ito ay pagbibigay pugay sa hardwork at efforts ni Tabora para mabigyang karangalan hindi lamang ang lalawigan kundi ang buong bansa.

Photo-credited to Spin.ph

Facebook Comments