PANALO! | Letran, wagi kontra St. Benilde sa NCAA Season 94 Basketball Tournament

Manila, Philippines – Isang come from behind win ang ipinakita ng Letran Knights kontra College of St. Benilde Blazers sa kanilang naging laban sa NCAA Season 94 Men’s Basketball Tournament.

Tinalo ng Knights ang Blazers sa score na 64-60 at nanguna sa panalo ng Letran si Bong Quinto na may 17-points.

Matinding depensa ang ipinakita ng Letran para hindi sila mapahiya sa kanilang homecourt kung saan hindi nila pinayagang makapuntos ang Blazers sa huling tatlong minuto ng laro.


Dahil sa panalo, umangat sa 3-1 win/loss record ang kartada ng Knights habang mayroong dalawang panalo at tatlong talo ang Blazers.

Facebook Comments