Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya uungkatin sa kanyang pagbisita sa Beijing, China ang tungkol sa South China Sea dispute.
Ayon sa Pangulo, bilang guest ay hindi naman tamang ungkatin ang isyu.
Dagdag pa nito, sesentro sa pagpapabuti ng ekonomiya ang magiging pulong nila ni Chinese President Xi Jinping.
Bukod sa inaasahang bilateral talks, nakatakda ring dumalo si Duterte sa “Belt and Road Forum”, ang landmark program ni Xi kaugnay sa mga infrastructure projects nito.
Samantala, nagpasalamat din ang Pangulo sa pagbili ng China sa mga produktong saging ng Pilipinas sa kabila ng tensyon sa isyu ng South China Sea.
DZXL558
Facebook Comments