PANALO O TALO | Mga mananalo sa Barangay at SK Elections, maaring malaman na rin ngayong araw

Manila, Philippines – Bago matapos ang araw na ito, posibleng ma-iproklama na ang karamihan ng mga nanalo sa halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, inaasahan ng COMELEC na mayorya ng mga mananalo sa eleksyon ay mapoproklama na pagsapit ng hatinggabi.

Aniya, mahigit 57.37 milyon ang rehistradong botante para sa barangay habang higit 20.62 milyon ang botante sa SK.


Sinabi naman ni Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 80 porsiyento ng 190,000 strong force para masiguro ang kapayapaan ng eleksyon ngayong araw.

Tiniyak din ni Diño sa publiko na lahat ng law enforcement agencies na naka alerto sila ngayong araw.

Facebook Comments