Amerika – Tinanghal ang pambato ng Brazil na si Francielly Ouriques bilang Miss Asia Pacific International.
Ito ang nag-uwi ng korona mula sa mahigit na 40 kandidata sa katatapos lang na grand coronation night.
Samantala, nakuha naman ni Miss New Zealand Acacia Walker ang 1st runner-up habang 2nd runner-up naman ang pambato ng Honduras na si Valeria Cardona.
Kahit na hindi nagtagumpay ang pambato ng Pilipinas na si Ilene Astrid De Vera ay nagpasalamat matapos itong makapasok sa top 10 ng pageant.
Facebook Comments