PANALO | Pokwang – waging “best actress”

Itinanghal bilang best actress ang komedyanteng si Pokwang para sa pelikulang “Oda sa wala” sa katatapos lamang na 6th Qcinema awards night.

Bagaman at hindi nakadalo, tinanggap ng direktor na si Dwein Baltazar ang trophy at binasa ang mensaheng ipinadala ng best actress.

Nasa ibang bansa ang kapamilya star.


Say ni Pokwang, hindi raw niya ini-e-expect na masungkit ang best actress trophy.

Para kay Pokwang, patuloy syang aarte mapa-mainstream man o indie.

Facebook Comments