PANALO | Rapper na si Abra, wagi bilang best actor sa Gawad Urian 2018

Manila, Philippines – Wagi bilang best aktor ang Pinoy Rapper na si Abra sa 41st Gawad Urian 2018 sa pagganap niyang sa pelikulang “Respeto”.

Ang pelikulang Respeto na dinirekta ni Treb Monteras II ay hinggil sa extrajudicial killing.

Ginawaran rin ang kanyang co-star na si Dido Dela Paz bilang best supporting actor.


Tinanghal rin ang pelikulang Respeto bilang Best Editing at Best Sound Honor.

Nakuha naman ni Joanna Ampil ang Best Actress award sa pagganap niya sa pelikulang “Larawan”.

Facebook Comments