Manila, Philippines – Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang kapwa Bicolana at kinoronahang bagong Miss Universe na si Catriona Gray.
Ipinaabot ni Robredo ang pagbati nito kay Gray lalo na sa pagsungkit ng ika-apat na titulo ng pageant sa Pilipinas.
Sinabi ni Robredo – ipinakita ni Gray sa buong mundo ang pagtulong nito lalo na sa mga mahihirap.
Namangha rin ng Bise Presidente sa mga sagot ni Catriona sa final round ng prestihiyosong beauty pegeant.
Naniniwala si Robredo na nagkaisa ang bawat Pilipino lalo na sa tinamong tagumpay ni Gray.
Facebook Comments