Tila matarik na daan ang tinatahak ng mga kandidato mula sa Liberal Party ngayong eleksyon.
Sa inilabas na partial and unofficial result ng COMELEC Transparency Server, labingapat (14) mula sa oposisyon ang siguradong nakakuha ng puwesto sa Kamara.
Narito ang listahan ng mga prinoklamang kongresista:
- Kit Belmonte – 6th District of Quezon City
- Edgar Erice – 2nd District of Caloocan City
- Romulo “Kid” Peña Jr. – 1st District of Makati City
- Stella Luz Quimbo – 2nd District of Marikina City
- Francis Gerald “Blue” Abaya – 1st District of Cavite
- Boy Umali – 2nd District of Oriental Mindoro
- Josephine Sato – Lone district of Occidental Mindoro
- Jocelyn Limkaichong- 1st District of Negros Oriental
- Cheryl Deloso-Montalla – 2nd District of Zambales
- Gabriel Bordado – 2nd District of Camarines Sur
- Raul del Mar – 1st District of Cebu
- Edgar Chatto -1st District of Bohol
- Edcel Lagman – 1st District of Albay
- Emmanuel “Tawi” Billones – 1st District of Capiz
Samantala, pitong kalahok lamang nila ang nanalo para sa mayoralty race. Galing Metro Manila ang dalawa sa kanila.
- Jaime Fresnedi – Muntinlupa City
- Len Len Oreta – Malabon City
- Emmanuel Maliksi – Imus City, Cavite
- Nelson Legacion – Naga City, Camarines Sur
- Madz Alfelor – Iriga City, Camarines Sur
- Ronnie Dadivas – Roxas City, Capiz
- Sitti Hataman – Isabela City, Basilan
Dalawang gubernatorial race naman ang nakuha ng Liberal Party. Ito ay sina Kaka Bag-ao ng Dinagat Island at Marilou Cayco ng Batanes.
Para kay Senador Francis Pangilinan, tuloy pa rin ang kanilang laban matapos man ang halalan.
“Tumaya tayo at kumilos hindi dahil sa katiyakan ng ang panalo kundi dahil sa katiyakan ng ating paniniwala at panininidigan. Kaya anuman ang magiging resulta ng halalan, tuloy pa rin ang pagsulong ng ating panininidigan at paniniwala,” ani Pangilinan.