Pananabotahe sa 2019 budget, itinanggi ng Kamara

Mariing itinanggi ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., ang alegasyon ng Senado na sinabotahe ng Kamara ang 2019 budget.

 

Sinabi ni Andaya na hindi ang Mababang kumaltas sa 2019 budget para sa mga proyektong imprastraktura alinsunod sa National Expenditure Program.

 

Kung tutuusin, ang Kamara pa nga ang nagamyenda para taasan ang pondo para sa infrastructure projects upang mapondohan ng ehekutibo ang pagpapalago ng ekonomiya.


 

Aniya, naisumite na sa Pangulong ang budget at inaasahang mapipirmahan ito kapag natapos na ang pagbalangkas dito ng Office of the President.

 

Ibinalik ni Andaya ang alegasyon, na ang Mataas na Kapulungan ang may pananagutan sa pananabotahe dahil sa ginawang pasya ng Senado na bawasan ang pondo sa Build, Build, Build Program at iba pang priority projects ng Administrasyon.

Facebook Comments