Pananagutan ng Maynila at Manila Water, iginiit ng isang Senador

Humirit si Senator Imee Marcos na mapanagot ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water sa nararanasang krisis sa tubig ng  halos 15-milyong konsyumer sa Metro Manila at karating lalawigan.

Pahayag ito ni Marcos kasunod ng abiso ng Maynilad at Manila Water companies na magpapatupad sila ng araw-araw na rotational service interruptions sa mga konsyumer simula nitong Oktubre 24.

Giit ni Marcos, dapat pinaghandaan ng dalawang water concessionaires ang nasabing krisis dahil sapul nito ang mga mahihirap na konsyumer.


Banta pa ni Marcos, pwedeng silipin ng Senado ang concession agreements ng dalawang water companies na binigyan ng exclusive rights ng pamahalaan na i-operate at i-maintain ang water utilities sa loob ng ilang taon.

Nakalatag sa nasabing kasunduan ang mga panuntunan para makapag-operate ang Manila Water at Maynilad at makarekober ng kanilang investment.

Pinaalala pa ni Marcos na nasabon na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso at binalaan na ite-terminate ang concession agreements dahil sa kanilang kapalpakan.

Facebook Comments