Pananagutan ng pamunuan ng BuCor sa pagkamatay ng middleman sa Percy Lapid slay case, tutukuyin

Ipinapaubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) ang pagpapanagot sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay kasunod na rin nang pagkamatay ni Jun Globa Villamor, ang isa sa mga sinasabing middleman na nakapiit sa Bilibid na tumawag umano sa grupo ng self-confessed gunman na si Joel Escorial para iligpit ang mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil dito ng DOJ.


Aniya, ang DOJ ang siyang tutukoy kung nagkaroon nga ba ng lapses o kapabayaan sa panig ng BuCor na humantong sa pagkamatay ni Villamor.

Para kay PNP Chief Azurin, wala kasing sense of urgency ang pamunuan ng BuCor lalo na’t nakipag-ugnayan na sila dito para protektahan ang nasabing middleman.

Paliwanag nito, kahit pa magkakaiba ang lumutang na pangalan ng middleman, sana ay inihiwalay pa rin ng selda si Villamor.

Una nang nagpahayag nang pagdududa si Azurin sa biglaang pagkamatay ni Villamor at hindi rin nito isinasantabi ang posibilidad na nagkaroon ng “foul play” sa pagkamatay nito.

Facebook Comments