Pananagutan ng telco na naglagay ng antenna sa condo unit kung saan bumagsak ang tipak ng kongkreto na ikinasugat ng 3 estudyante, pinag-aaralan ng QC LGU

Pinag-aaralan na rin ng Quezon City local government unit ang posibleng pananagutan ng telecom company na nagkabit ng antenna malapit sa gumuhong palitada sa isang condo sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa naturang palapag kasing pinagkabitan ng antenna galing ang tipak ng kongkretong bumagsak na ikinasugat ng tatlong estudyante na kinabibilangan ng magkapatid na kambal.

Ayon sa QC LGU, iniimbestigahan din nila nang maigi ang lahat ng aspeto na puwedeng naging sanhi ng pagbagsak ng palitada.

Ang mahalaga raw ay magkaroon ng hustisya ang sinapit ng mga walang muwang na bata, at hindi na maulit ang pangyayaring ito.

Kahapon nang magsawa ng inisyal na pagsusuri ang Department of Building Official para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng palitada sa Atherton Condominium na ikinasugat nang malubha ng dalawang bata, at kung sino ang may pananagutan dito.

Agad inutusan ng DBO ang owner/administrator na lagyan ng canopy ang harapan ng gusali, at bakbakin ang lahat ng palitada at palitan ito ng bago.

Facebook Comments