Pananagutan sa gumuhong tulay sa Isabela, kakalkalin ng Malacañang mula sa dating administrasyon hanggang sa kasalukuyan

Hindi ligtas sa imbestigasyon at pananagutan ng pamahalaan ang mga nasa likod ng pagguho ng tulay sa Isabela kahit pa galing ito sa nakaraang admnistrasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hinihintay na lamang ng Palasyo ang kumpletong ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon dito.

Nais aniyang malaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung may korapsyon ba sa ginawang tulay.

Sa inisyal na ulat ng DPWH sa Palasyo, 90% ng ipinagawang tulay ay nagsimula noong 2014 at nangyari sa panahon ng dating administrasyon.

Hindi na rin ganoon katibay ang tulay dahil sa loob ng maraming taon ay naharap na ito sa mga bagyo at lindol kaya naman kailangan na itong isailalim sa retrofitting.

Sa ulat rin ng DPWH, ang tulay ay para lamang sa maliliit na sasakyan kaya naman posibleng panagutin din ng Palasyo maging ang may-ari ng dump trucks na may kargang mga bato na dumaan dito.

Facebook Comments