PANANAGUTIN | City engineer ni Manila Mayor Erap Estrada, DPWH at iba pa, kinasuhan ng graft

Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong graft sa Ombudsman ang ilang opisyal ng lungsod ng Maynila dahil sa usapin ng paglabag sa building code.

Kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa Republic Act no. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Presidential Decree No. 1096 dahil sa pagbalewala sa usapin ng “setback rule” sa ilalim ng National Building Code of the Philippines ay sina Engr. Rogelio Legaspi, pinuno ng Manila City Engineering Office at mga tauhan na sina Engr. Reynaldo Algenio at Engr. Manuel Garcia.

Respondent din sa kaso ang mga pribadong indibiduwal na kinabibilangan nina Gerie Chua, may-ari ng itinayong 14 storey-building sa Ongpin Street at contractor na si Jimi Lim ng Ironcon Builder and Development Corp. na gumawa ng kuwestyonable gusali.


Kaugnay ito sa naitayong gusali sa Chinatown na siyang naging isyu rin ni Pangulo Duterte sa pagpapasara sa Boracay Island,

Inakusahan ng complainant na si Binondo Barangay Chairman Nelson Ty ng Barangay 289 Zone 27 ang grupo ni Engr. Legaspi na nakipagsabwatan kina Chua at Lim para sakupin ang Public Property at balewalain ang setback Law na nakasaad sa Rule X ng P.D. 1096.

Sa ilalim ng P.D. 1096 kinakailangan may 3 metro kaluwagan o bigyang pagitan sa harapan ng isang gusali mula sa property line na lote ng may-ari bilang daanan pampubliko, subalit, sa kaso ng building ni Chua hindi ito ipinatupad.

Facebook Comments