PANANAGUTIN | DENR, inihahanda na ang kaso laban sa mga establisyimento na nakitaan ng illegal pipes sa Boracay

Aklan – Inihahanda na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kaso laban sa mga may-ari ng mga establisyimento na nakitaan ng illegal pipes sa Boracay Island.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ang ilegal na paglalabas ng maruming tubig sa isla sa pamamagitan ng mga tagong tubo ay paglabag sa republic act 9275 o Philippine clean water act of 2004.

Patuloy pa aniya ang proseso ng pagtukoy at pagberipika sa mga may-ari ng illegal pipes.


Ani Cimatu, ang ipapataw na parusa ay depende sa bigat na nagawa nilang paglabag.

Facebook Comments