PANANAGUTIN | Inarestong si Ozamiz City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog, kakasuhan ng Taiwanese government

Sasampahan ng gobyerno ng Taiwan ng patung-patong na kaso si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog matapos magtago ng sampung buwan sa fishing village sa Pingtung habang wanted sa Pilipinas.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (Meco) representative Lito Banayo, mga kasong falsification of documents at illegal entry ang isasampa ng Taiwanese government laban kay Parojinog.

Maliban pa ito sa kasong illegal possession of firearms and explosives ni Ardot sa Pilipinas.


Unang nakatakas si Ardot sa raid sa kanilang bahay sa Ozamis City noong July 30 kung saan nasawi si Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog.

Mananatili sa kustodiya ng Pingtung police si Parojinog habang patuloy ang kanilang imbestigasyon kung paano nakapasok si Ardot sa Taiwan.

Magpapadala naman ng team ang PNP sa Taiwan para sumundo kay Ardot pabalik ng Pilipinas.

Facebook Comments