PANANAGUTIN | Kasalukuyang opisyal ng mga DOTr, hiniling na managot dahil sa palpak na MRT

Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na maparushan ang mga kasalukuyang opisyal ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay dahil sa patuloy na kapalpakan sa serbisyo sa MRT3 at ang pagpayag na manatili ang Dalian trains sa bansa na hindi naman nagagamit.

Giit ni Zarate, hindi dapat maging balat-sibuyas ang mga kasalukuyang opisyal ng DOTr at MRT3 dahil taon ang hinintay ng publiko para lamang umayos ang kanilang serbisyo.


Pinapaparusahan din ng kongresista ang mga nagdaang opisyal ng DOTC sa ilalim ng nakaraang Aquino administration na nasa likod ng pagbili ng Dalian trains kaya hanggang ngayon ay problema pa rin ang MRT at paunti ng paunti ang mga bumabyaheng tren.

Hindi lamang anya ito usapin ng incompetence mula sa mga namamahala kundi isyu rin ng graft and corruption na patuloy paring umiiral sa kanilang sistema.

Facebook Comments