PANANAGUTIN | Kaso laban sa Sanofi, inihahanda na ng PAO

Manila, Philippines – Handa na ang kasong sibil at administratibo na isasampa ng Public Attorney’s Office laban sa Sanofi Pasteur at ilan pang personalidad na nasa likod ng Dengue Immunization Program ng Aquino administration.

Sabi ni PAO Chief Persida Acosta, maghahain muna sila ng kasong sibil para sa pagkamatay ng bawat batang nabakunahan ng Dengvaxia na inilapit sa kanila.

Ayon kay PAO Chief Acosta, maghahain din sila ng reckless imprudence resulting in homicide at hiwalay na a administrative case sa Professional Regulation Commission.


Tatlo at kalahating milyong pisong danyos sa bawat biktima ng Dengvaxia ang hihingin ng PAO bilang bahagi ng ihahain nilang kasong sibil.

Sabi naman ni Dr. Erwin Efre, kahit na typhoid fever ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng ika-labing apat na biktima, ang mga nakita nila sa awtopsiya ay parehong-pareho sa mga naunang biktima na namatay sa dengue tulad ng pagdurugo ng utak, heart wall at baga.

Facebook Comments