PANANAGUTIN | Mga opisyal ng NFA, makakasuhan kung hindi magtatrabaho para labanan ang rice hoarding

Manila, Philippines – Tiniyak ni National Food Authority (NFA) Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Jun Evasco na makakasuhan ng dereliction of duty ang mga opisyal at tauhan ng NFA kung hindi aaksyon ang mga ito para hanapin ang mga negosyanteng nagtatago ng supply ng bigas.

Ito ang sinabi ni Evasco matapos aminin na mayroon silang nakikitang rice hoarding ng pribadong sector na isa sa mga dahilan ng pagtataas ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Evasco sa briefing sa Malacanang, dapat ay maging proactive ang NFA sa pagbabantay sa mga bodega ng private rice traders para matiyak na hindi nakapagtatago ng supply ng bigas ang mga ito.


Sinabi din ni Evasco na pabubuksan sa NFA ang lahat ng mga bodega o warehouse ng bigas para makita kung mayroong itinatagong bigas ang ilang negosyante at para maging maayos din ang paglalabas ng bigas sa merkado.
Binigyang diin pa ni Evasco na hindi na kailangang utusan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NFA para tuparin ang kanilang mandato.

Facebook Comments