Manila, Philippines – Nagmatigas si Labor Secretary Silvestre Bello III na
hindi basta-bastang ili-lift ang total deployment ban sa Kuwait.
Ito ay kahit pa nakatakdang pirmahan ng bansa ang Memorandum of
Understanding o MOU sa pagitan ng Kuwait pagkatapos lamang ng Mahal na Araw.
Sa pagdinig ng Overseas Workers Affairs, sinabi ni Bello na kahit may
inilalatag na bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait pero
kung hindi naman mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay OFW na
inilagay sa freezer ng kanyang mga amo na si Joanna Demafelis, hindi
babawiin ang total deployment ban sa nasabing bansa.
Sakali mang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Demafelis, nagmatigas
ito na hindi pa rin agad gagawin ang pagbawi sa ban ng pagpapadala ng mga
OFWs sa Kuwait.