PANANAGUTIN | NHA, pinagpapaliwanag dahil sa mga substandard na pabahay para sa mga biktima ng 2013 Zamboanga Siege

Manila, Philippines – Pagpapaliwanagin ng mga mambabatas ang National Housing Authority (NHA) at ibang kaukulang ahensya kaugnay ng substandard na paggawa ng pabahay para sa mga biktima ng Zamboanga Siege noong 2013.

Ayon kay Zamboanga Representative Celso Lobregat, dapat ay may managot sa kasunod ng pagkakahulog nila sa tulay na gawa sa kahoy sa Barangay Riohondo.

Tiniyak naman ni NHA Central Office Architect Susana Nonato, na magsasagawa sila ng restorations sa lugar sa lalong madaling panahon.


Mag-iinspeksyon sana ng NHA Housing Project sina Lobregat, Negros Representative Albee Benitez, at Zamboanga City Mayor Beng Climaco nang bumigay ang tulay na kanilang nilalakaran.

Facebook Comments