PANANAGUTIN | PNP, naghain ng motion for reconsideration para baligtarin ang desisyong pagbasura sa drug case laban kina Kerwin Espinosa at iba pang drug personalities

Manila, Philippines – Naghain ng motion for reconsideration ang PhilippineNational Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pagbasurang drug case laban kay Kerwin Espinosa at iba pang drug personalities.Giit ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, gagawin ng PNP ang lahat ng legal naparaan para mapanagot ang mga tao na sangkot sa sindikato.Aniya, maituturing na dagok sa kampanya kontra droga ng pamahalaan angpagbasura sa mga reklamo.Bukod sa mosyon, naghahanap na rin ng karagdagang testigo at ebidensiyapara sa muling pagsasampa ng kaso laban sa mga drug personality nanagpapatakbo ng pinakamalaking drug operation sa Visayas.Batay sa reklamo ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG,drugs conspiracy ang isinampa laban kina Espinosa at iba pa, kabilang siSenador Leila De Lima.<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments