MANILA – Labis na ikinakabahapa ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang patuloy na pananahimik ng commission on elections o Comelec sa mga naging problema sa Overseas Absentee Voting kung saan may mga vote receipts na hindi nagtugma sa mga kandidatong minarkahan ng mga botante sa kanilang balota.Ayon kay marcos, halos isang linggo na mula ng lumabas ang nasabing balita at kumalat maging sa social media pero hanggang ngayon ay walang malinaw na pahayag ang Comelec ukol sa isyung ito na pwedeng makaapekto sa kredibilidad ng darating na may 9 elections.Nauna ng nanawagan si marcos sa comelec na maglatag ng guidelines sa mga botante kung sakaling magkaroon nga ng pagkakaiba ang kanilang boto sa lalabas sa vote receipts.Isa rin sa mungkahi ni marcos ay ihiwalay ang mga vote receipts na may mga reklamo ng pagkakaiba sa mga balota.Ito ayon kay marcos ay upang magamit ang nabanggit na mga resibo sakaling may tuluyang magrereklamo sa eleksyon.
Pananahimik Ng Comelec Sa Mga Lumabas Na Problema Sa Overseas Absentee Voting, Ikinabahala Ng Isang Senador
Facebook Comments