Pananahimik ni PBBM kaugnay sa pagsibak kay dating PNP Chief Torre, kinuwestyon ng isang kongresista

Kinwestyon ni Mamamayan Liberal o ML Party-list Rep. Leila de Lima ang pananahimik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa biglaang pagsibak kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa briefing ng PNP at National Police Commission (NAPOLCOM) sa House Committee on Public Order and Safety ay sinabi ni de Lima na naguguluhan siya sa nangyari kay Torre.

Punto ni De Lima, wala man lang pahayag ang pangulo na direkta o sa pamamagitan ng executive secretary at tanging si Interior ang Local Government Secretary Gilbert Remulla lamang ang nagsasalita sa kanyang kapasidad bilang ex-officio chairman ng NAPOLCOM.

Nais din ni De Lima na malinawan ang mga opinyon o impormasyon na lumabis si Torre sa kanyang awtoridad kaya tinanggal sa pwesto.

Facebook Comments