Pananakit ng Iranian nat’l sa isang pulis, iniimbestigahan na ng BI

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng pananakit sa isang pulis sa Puerto Galera, Occidental Mindoro ng isang turistang Iranian.

Sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval, partikular na nagsasagawa ng imbestigasyon ang kanilang legal division.

Maaari aniyang gawin ng Immigration Bureau ang Motu Propio na pagsasampa ng immigration case laban kay Fereshteh Marboyeh gaya ng ginawa sa Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT Boni Station.


Gayunman, depende pa rin aniya ito sa merito ng kasong kinasangkutan naman ng babaeng Iranian.

Nabatid na dinala sa himpilan ng pulisya si Marboyeh matapos magwala at maghubad sa pampublikong lugar dahil sa sobrang kalasingan.

Pagdating ng dayuhan sa presinto ay sinipa, sinuntok at pinaso pa ng ng sigarilyo ang isang pulis.

Nahaharap siya sa kasong direct assault on person on authority.

Facebook Comments