Pananalapi ng Pilipinas, nananatiling matatag sa kabila ng COVID-19 pandemic

Nananatili pa ring matatag ang pananalapi ng Pilipinas sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, umabot sa $3.3 billion o mahigit P163.3 billion ang gross international reserves ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Mayo na pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Bumaba naman ang external debt o utang ng Pilipinas sa labas ng bansa kumpara sa Gross Domestic Product (GDP) o halaga ng serbisyo o produkto na naitala.


Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments