Pananaliksik ng Ateneo sa ‘war on drugs’, iginagalang ng PNP

Iginagalang ng Philippine National Police o PNP ang ginagawang pag-aaral ng ilang academe sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ito ay kasunod ng inilabas na pag-aaral ng Ateneo Policy Center na mahigit 7,000 na ang napapatay sa giyera kontra droga.

Ayon kay PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac, bilang isang institusyon ay mahigit nilang pina-iiral ang rule of law at paggalang sa karapatang pantao.


Bagamat aminadong mayroon talagang pasaway na pulis sinabi ni Banac na patuloy ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Sa katunayan, umabot na aniya sa 8,440 na mga pulis ang kanilang nadisiplina dahil sa iba’t-ibang paglabag.

Nasa 2,600 aniya rito ang natanggal sa serbisyo at 4500 ang nasuspende.

Umabot naman sa 322 na mga pulis ang napatunayang gumagamit ng ilegal na droga at 119 naman ang nagtutulak at protektor ng droga.

Facebook Comments