Pananalisi ng lalaki sa isang restaurant sa Makati, sapul sa CCTV

Manila, Philippines – Sapul sa CCTV ang pananalisi ng isang lalaki sa isang restaurant sa Makati City.

Sa video, makikitang kasisimula pa lamang kumain ng grupo ng magkakaibigan nang biglang pumasok ang isang lalaki na nakadamit pang-opisina at tila may kausap sa cellphone.

Umupo ang lalaki sa isang mesa katabi ng grupo.


Maya-maya may sinungkit na ito sa kaliwang kamay sa ilalim ng mesa habang hawak ang kabilang kamay ang cellphone.

Sa loob ng limang minuto, nahila ng lalaki ang isang bag at agad naglakad palabas.

Nagulat na lamang ang isa sa biktima na nawala ang kanyang bag na may lamang dalawang laptop na nagkakahalaga ng mahigit 100,000 pesos.

Nang i-post ng biktima ang ng pananalisi sa Facebook, marami ang nag-contact sa kanya na pareho ang nangyari sa kanila.

Nagpalabas na ng 10,000 pesos na pabuya ang makati police para sa makakapagturo sa suspek.

Facebook Comments