Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang tangkang pagpatay kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., nitong Biyernes kung saan nasawi ang apat nitong security officer habang isa ang sugatan.
Ayon kay Romualdez, ang ganitong karahasan ay walang puwang sa ating sibilisadong lipunan.
Kaugnay nito ay nanawagan si Romualdez sa mga awtoridad na kilalanin at pananagutin sa lalong madaling ang mga salarin at ang utak ng krimen.
Diin ni Romualdez, kailangang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at maibalik ang katahimikan at kaayusan sa Lanao del Sur kung saan naganap ang pananambang.
Nagpahayag naman ng pakikiramay si Romualdez sa pamilya ng mga biktima at nangakong tutugon sa kailangan nilang tulong.
Facebook Comments