Pananambang naganap sa Negros Occidental – dalawa katao, patay

Negros Occidental – Dalawa ang patay sa naganap na pananaambang pasado alas-6:45 kaninang umaga sa Barangay Minapasok bayan ng Calatrava, Negros Occidental.

Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang katawan ay kinilala pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon kay OIC PNP Provincial Director Police Senior Superintendent Rudolfo Castil, hindi bababa sa labing-lima ang mga armadong kalalakihan na sakay ng kanilang Isuzu D-Max pick na color puti na dumating sa nabanggit na barangay.


Nagsisigaw pa ang mga ito na ‘mabuhay ang New People’s Army o NPA’ bago umalis.

Narekober naman ng mga pulisan ang mga basyo ng mga bala mula sa m16 armalite rifle, m14 armalite rifle, caliber 45 pistol at isang bala ng m203 grenade launcher na hindi pa sumabog.

Napag-alaman na bago maganap ang pag ambush sa mga biktima nagkaroon muna ng encounter ang mga army at mga armadong grupo sa kabilang barangay at posible ang mga armadong kalalakihan ang responsible sa pag ambush sa mga biktima.

Hanggang sa pag-uulat na ito nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan at mga sundalo laban sa mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments